Breaking News

Manny Pacquiao, Binilhan ang kaniyang Anak na si Jimuel ng Pinakauna nitong Luxury Car



Katulad na lamang ng binigay ng Pambansang Kamao na si Senator Manny Pacquiao sa kaniyang panganay na anak na si Jimuel Pacquiao.

Kamakailan lamang, sa isang video na in-upload ng YouTube channel Team Sisson sa kanilang Youtube account, makikita na niregaluhan ni Pacquiao ang kaniyang anak dahil sa pagiging mabait at mapagmahal nito sa kaniyang mga magulang.

Sa isang video na ibinahagi ni Sen. Manny sa kaniyang Instagram account, makikita ang gulat na reaksyon ng kaniyang anak nang una niyang makita ang Corvette Stingray na iniregalo niya para dito. Makikita din sa video ng Team Sisson kung gaano kasabik si Jimuel para paandarin ang kaniyang red sports car at makikita din kung gaano siya nagpapasalamat sa kaniyang ama para sa regalong ibinigay nito.

Ang Chevrolet Corvette o mas kilala bilang Vette o Chevy Corvette ay nagkakahalagang P8,546,888. Ito ay unang inilunsad sa Pilipinas noong 2018.

Ang pagreregalo ng kotseng ito sa kaniyang anak ay tila wala lang para kay Sen. Manny dahil ito ay kinuha naman niya sa kaniyang kita sa pagbo-boxing. Ito lamang ang isa sa mga bagay kung paano ipakita ni Sen. Manny ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang mga anak.

No comments