Breaking News

Batas na magpapalakas sa sektor ng mga magsasaka at mangingisda, nilagdaan na ni Pangulong Duterte



Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagsusulong ng partnership sa pagitan ng mga magsasaka, mangingisda at sa pribadong sektor.

Sa ilalim ng Republic Act 11321 o Sagip Saka Act, itatatag sa Department of Agriculture (DA) ang Farmers and Fisherfolk Enterprise Development Program, na layuning magkaroon ng holistic approach sa pag-promote ng pagbuo ng enterprises na may kaugnayan sa agricultural at fishery products.

Ang programa ay gagamit ng modernong teknolohiya sa pagsasaka at pangingisda maging sa pag-nenegosyo.

Popondohan din ng gobyerno ang pagsasaka at pangingisda sa pamamagitan ng pagkakaruon ng access sa financing, credit grants at crop insurance.

Bukod sa mga magsasaka at mangingisda, magiging beneficiary rin ng nasabing programa ang producer groups at piling small and medium enterprises.

Ang pribadong sektor naman ay dapat may financial at organizational capability at may kakayahang magbigay ng equipment, machinery at iba pang uri ng tulong sa mga magsasaka at mangingisda na nasa enterprise development.

Bibigyan din ng tax exemptions ang mga organisasyon na magdo-donate ng real at personal properties sa magsasaka at mangingisda.

Nakasaad din sa naturang batas na bubuo ng Farmers and Fisherfolk Enterprise Development Council na tututok sa implementation ng programa.

2 comments:

  1. Bakit po Nfa sa cabanatuan nueva evija yung class A na palay ginagawang class B para bumaba ang prisyo 19.51 per kilo

    ReplyDelete
  2. YELLOW TARDS BUKSAN NYO PO ANG INYONG, MGA MATA, PUSO AT DAMDAMIN UPANG TANGGAPIN NYO ANG KATOTOHANAN NA MAY ISANG TAONG PINADALA NG PANGINOON UPANG MAGING INSTRUMENTO PARA SA PAGBANGON AT MAISASAYOS NA ANG ATING BANSANG SINILANGAN NA LOGMOK NA KASAMAAN,, GOD BE THE GLORY TO YOU PRRD... TAKE GOOD CARE OF YOUR SELF WHEREVER YOU GO WHEREVER YOU ARE.... GOD BLESS YOU ALWAYS..

    ReplyDelete